Sunday, June 11, 2023

Awit

Bago pa mag-alas 9 nang hapon nang ika-11 ng Hunyo ng 2023 rito sa Isla Lulu, may kaunting araw pa, at nasa balkonahe ako, pagkatapos kong magkaraoke ng Unyong Europeong Awit na "Ode to Joy" sa Pranses at saka sa Griyego nang gamit ang tablet ko sa kuwarto ko. Mula sa balkonahe, kita ko sa kalyeng may dumadaang dalawang aleng Kantonesa. Sabi ng isa, "Hudyo ka!" Sa katotohanan, may talagang lahi akong Hudyo, malamang sa tatay at nanay na sanga, pareho. Alam kong maraming mga imigranteng Taga-Hong Kong ay interesado sa Kristiyanismo. Sabi ko, "Hindi masyadong interesado ang Hapones sa Kristiyanismo." May Araw ng Pasko sila, pero parang Valentine's Day doon. Ang Shintō, ang Animismo, ay ang sagot nila sa mga kapangyarihang Kristiyano. Dumaan naman ang isang lalaking Kantones din, "Gusto na nilang maging sidekick ka. Budismo lamang ang kailangan mo." Tapos, dumaan sa ibang direksiyon ang mga Kantonesang kapitbahay kong si Teresa, si Vicky, at ang nanay nila. Iniisip nila ang Mandarin, Hokkien, at Kantones. Sa bagong tingin ko, ang pag-aaral ko ng Lojban, ang Lojbanismo, ay relihiyon din nga. May mga lipunan ngang duplex ang relihiyon, o singkretiko, tulad sa Hapon, Taylandiya, at Tsina. Ang Budismo ay madalas na may kasamang Animismo roon.

No comments:

Post a Comment