Wednesday, June 14, 2023

Zamboanga

Nang malamig at maulap na umaga nang ika-14 ng Hunyo ng 2023, lakad ako papuntang tsaahan dito sa Isla Lulu. Sa daan, kinausap ko si Joanne na Ukranyang ilang henerasyon sa Hilagang Amerika. Nagbagyo raw sa nokturno nang tulog ako. Iba si Joanne sa ibang babae, dahil marunong siya ng astronomiya, pero espiritwal siya. Asawa siya ni Rod na malaking lalaki. Sa tsaahan, umiinom ako ng tsaang itim na mayelo at kumakain ng binalot na kesong feta sa puti ng itlog. Ang barista ko ay si Sarah, yaong Anglo-Sahonang dating nasa Québec. May dumalaw na aleng nakapaldang bandera ng Brasil: berde, dilaw, at asul na may mga puting bituwin. May Tsinang nakakurbatang dumalaw. Naroong nakaupo sa bar si Chen, yaong matabang Tsinong mukhang sundalo. May dumalaw na ilang malusog na lalaking maputi ang balat at itim ang buhok. May Byetnames na mag-asawa sa isang mesa. Sabi ko sa kanilang si Amy na tagaluto sa Byetnames na restawran ay ayaw ng wikang Ingles. Hindi siya nagbabasa ng Ingles, at hindi siya nagsusulat sa Ingles. Pero, sabi ko namang si Jessicang Byetnamesang barista sa tsaahan ay Anglophile. Ngayon, may nagtanong sa akin sa Web kung gusto ko raw tumulong sa Wikipedia ng Chabacano ng Zamboanga. Naiintriga nga ako sa yaong lengguwahe. May kotseng beige na tumigil sa harapan ng tsaahan. Naka-beige din ang taong lumabas.

No comments:

Post a Comment