Wednesday, June 14, 2023

Bayabas at Mansanas

Nang bago pa magtanghali nang ika-14 ng Hunyo ng 2023, lakad ako papuntang pruteriya rito sa Isla Lulu. Sa daan, sa eskinita, nakita ko si Michael na Danes-Pranses. Naka-sunglasses siya. Sensitibo si Michael sa mga sutil na penomena sa malapit sa kapitbahayang parke. Sa tabing eskinita, napansin niyang tumaginting ang isang sanga ng halaman nang sarili. Nagulat siya. Marami kami parehong nakitang mga ilaw-ilaw na penomena mula sa umpisa nitong taon. Sabi ko sa kanyang marahil may multidimensiyonal na portal sa itaas ng parkeng kampo. Tumuloy ang lakad ko hanggang pruteriyang kung saan ako'y bumili ng dalawang kamatis at dalawang pipino para sa nanay ko. Sa pizzeria naman ako kumain. Dumalaw ang isang Asyanong mag-asawang parehong naka-beige ang suot. Dumalaw ang isang Rusang may dalang isang sako ng bayabas at isang sako ng mansanas.

No comments:

Post a Comment