Ngayong maaraw na ika-29 ng Hunyo ng 2023, nasa tsaahan sa Isla Lulu ako para magmalamig na itim na tsaa. Dumalaw yaong mukhang Hapones na ulong Budistang nakasuot ngayon nang puting kamiseta at maitim na kulay-abong track pants. "Steve" ang tinawag sa kanya ng baristang si Gina, yaong Pilipinang manedyer ng tsaahan. May tato si Steve nang mga logograma sa kaliwang braso niya. Sa labas ng bintana naman, nakita ko ang Haponesang si Les na papuntang tabing bangko. Kaibigan siya ni Marlin, yaong Pilipinang kaibigan ko naman. Sa mesa ko, nagbabasa ako ng librong Esperanto. Sa bahay naman, sa naaarawang balkonahe, binabasa ko ang librong Chavacano de Zamboanga: Un Poquito Español ni Gefilloyd Lim de Castro. Interesado ako sa penomeno ng kreyol na Kastila sa Pilipinas. Ang maganda ay di obligatoryo ang berbong tense, at ang focus ay berbong aspekto. Di katulad ng mga Kanluraning wika itong kreyol. Pinag-aaralan ko ang Chabacano mula pa nang ika-14 nitong buwan, at marami na akong alam. Sa manunulat tulad ko, maganda ang lengguwaheng di obligatoryo ang berbong tense. At isa pa, walang konhugasyon ang mga berbo sa Chabacano, di tulad ng ibang wikang masyadong komplikado ang berbo.
No comments:
Post a Comment