Nang mainit na ika-25 ng Hunyo ng 2023, sa umaga, naroon ako sa pizzeria sa Isla Lulu para kumain ng isang pirasong maluhong espesyal na pizza at uminom ng kola. Ang tindero ay si Simar na Taga-Indiyang Sikh na di nagtuturban. Tinanong ko siya kahapon kung ano ang ibig sabihin ng "Parde hãi" sa Hindi, pero di raw niya alam. Ngayon, tiningnan ko sa Web, at sabi ko sa kanyang alam ko nang "Kortina iyon" ang ibig sabihing may kaugnayan sa sosyolohiyang narinig ko sa radyo. Pagbalik ko sa bahay, sa daan, nakita ko si Michael na Danes-Pranses. Tinanong niya ang aking paboritong sabjek sa eskuwelahan. Sabi kong biyolohiya iyon, dahil ang pangarap ko sana'y maging astrobiyologo para sa analisis ng buhay sa labas ng Tiyera, o kaya maging henetikong inhinyero. Dinagdag kong mula noong dekadang 1990, marami nang eksoplaneta ang nadiskubre, at ngayon ay kompirmado ang higit nang limang libo. Sa bahay, sa tanghalian, may linguine at hipon. Sa hapon, lakad at balik ako sa pizzeria sa mabanas na panahon. Naroon pa si Simar. Nagkola na lamang ako. Mamaya pa, dumalaw ako sa tabing pruteriya, at sana'y bibilhin ko ang Taylandes na berdeng produktong Coco Thumb na prutas na buko ng niyog na butas sa ibabaw na may taklob na plastik na may kasama nang istrow. Sabi ko sa tabatsoy na Tsinong tinderong mahirap yatang biakin kung gusto ang puting laman. Katas ang binebenta. Sa ibang tema, sa bahay, mula noong ika-14 nitong buwan, nag-aaral ako ng Chabacano ng Zamboanga, at marami na akong alam.
No comments:
Post a Comment