Saturday, June 3, 2023

Simbolo

Nang maaraw na umaga nang ika-3 ng Hunyo ng 2023, lakad ako at nasa malaking tindahan sa Isla Lulu para bumili ng dalawang balot ng ubeng hopyang babaunin ko sa malapit na tsaahan. Ang kahero ay si Michael na mestisong Ingles-Intsik. Sa unahan ko sa pila ay isang muskuladong kayumangging lalaking may tato ng Swastika sa kaliwang balikat niya. Alam kong Budista o Hindung simbolo iyon sa Asya, pero sa Kanluran, baka mapagkamalang Nazismo ang simbolo. Noong turn ko, tiningnan ni Michael ang balot ko ng markang Maynila's Choice na hopya. Sabi niyang hindi pa niya natitikman. Sabi kong may ibang lasa bukod sa ube. May munggo at baboy din. Sabi niyang mas gusto niya ang pritong kamote sa fast food. Sabi kong may inihurnong patatas sa pizzeria sa tabi. Pagkatapos ng kumbersasyon, nasa tsaahan na ako para kumain ng isang piraso ng ubeng hopya. Umiinom ako ng mayelong itim na tsaa. May mag-ama sa tabing mesa. Puti ang ama, at mukhang mestisong Intsik ang anak niya.

No comments:

Post a Comment