Sunday, June 4, 2023

Gubat

Nang umaga nang ika-4 ng Hunyo ng 2023, nagtaksi ang pinsan kong si Eva papuntang paliparan dahil bibisitahin niya ang kanyang mga kapatid sa Nevada. Sa balkonahe, kumakain ako ng malaking siyopaw na asadong baboy at nagkakape. Pagsikat ng araw. Mamaya pa, nasa tsaahan sa Isla Lulu ako. Naglitrato ako roon at sa malapit na gubat. Nagdalawang baso ako ng mayelong itim na tsaa. Pabalik-balik ako galing gubat. May mga magagandang lalaki sa tsaahan. Ang kahera ay si Sarah, yaong Anglo-Sahonang galing Québec. Ang barista ko ay si Chelsea, yaong Mandarin na Instik. Sa mga barista, naroon din si Nabhi, yaong Taga-Indiya, at mayroon pang Taga-Arabiang si Ola. May mag-asawang mga kustomer na Byetnames na nagsasalita nang Byetnames. Mamaya pa, kumakain ako ng isang binalot na kesong feta sa puti ng itlog, ang Griyegong espesyalidad sa tsaahan.

No comments:

Post a Comment