Friday, March 17, 2023

Ilaw-ilaw VII

Nakita ko na naman si Michael na Danes-Pranses nitong maaraw na umaga nang ika-17 ng Marso ng 2023.  Pinakita niya ang mga litrato ng mga mahiwagang ilaw-ilaw sa kanyang ismartpon.  Araw-araw nga ay may iba-ibang ilaw-ilaw, sa gilid ng bahay at sa mga bakod.  Ang talagang misteryoso ay parang nasa likod ang ilaw-ilaw ng bisikletang nakatindig sa tapat ng bahay at ng aparato ng metro sa tapat ng bahay.  Iniisip namin ni Michael na may kaugnayan sa mga ekstraterestre o anito.

No comments:

Post a Comment