Thursday, March 9, 2023

Croissant

Nitong ika-9 ng Marso ng 2023, sa umagang lakad ko papuntang sa tsaahan sa Isla Lulu, nakita ko si Michael na Danes-Pranses.  Parati naming pinag-uusapan ang mga mahiwagang ilaw-ilaw sa eskinitang parang may kaugnayan sa mga ekstraterestre o anito.  Bumili ako ng manok na sanwits sa isang tindahan, at kinain ko sa tsaahang may kasamang mayelong itim na tsaa.  Dumating si Greg na Pinoy.  Nakita ko rin ang may itsurang si Rodney na Pinoy na bitbit ang anak.  Pinag-usapan namin ni Greg ang tungkol sa mga Sundadont, Sinodont, at Super-Sinodont ng mga Mongoloid.  Nabanggit namin ang mga istorya ng mga Maya, Azteca, at Inca.  Nakita niyang binabasa ko ang aking bagong Minidiksiyonaryo ng Esperanto, wikang inimbento ng isang henyong Hudyo noong 1887, si Dr. Zamenhof.  Nabanggit ko ang mga lahi kong alam sa pamilya ko:  Pilipino, Intsik, Kastila, Portuges, Griyego, at Hudyo.  Kaarawan pala ngayon ni Greg na 64 anyos na.  Nagkape siya nang may kasamang croissant.

No comments:

Post a Comment