Thursday, March 9, 2023

Enrico

Nang ika-9 ng Marso ng 2023, sa tsaahan sa Isla Lulu, pinag-usapan namin ni Greg ang mga Amerindiyo.  Sang-ayon kaming mga daan-daan ang mga tribu at wika sa mga Amerika bago pa dumating si Columbus.  Nabanggit ko si John Enrico, isang masipag na dalubwikang pinag-aralan ang mga Haida nang ilang taon para irekuwerdo ang wika nila.  May mga malalaking libro ako tungkol sa wikang Haida na sinulat ni John Enrico.  Namamatay na itong wika tulad nang karamihan ng mga wikang Amerindiyo.  Sabi ko kay Greg na ang mga importanteng malalaking indihenong wika sa Canada ay ang Inuktitut at Cree.

No comments:

Post a Comment