Friday, March 17, 2023

Lambak

Nasa pizzeria ako sa tanghali nang ika-17 ng Marso ng 2023. Nagdidiskusyon si Tharsan, ang may-ari, at ang pinsan niya, ang hepe ng prangkisa. Parehong Srilangkano, pero pinanganak si Tharsan sa Canada. Nagwawalis yaong tinderang si Rose doon. Tinanong ko ang plano nilang magpamilyang magbakasyon sa Pilipinas nitong taon. Sabi niya'y ipopospon nila sa susunod na taon, dahil may sakit ng hayblad ang mister niya. Tagalambak ng Cagayan daw siya, at ang asawa niya'y Taga-Isabela. Limang oras daw ang bayan ni Rose mula sa Siyudad ng Baguio, yaong kabundukang may bluberi at istroberi. Pero sabi ni Rose na walang bluberi at istroberi sa lambak nila.

No comments:

Post a Comment