Friday, March 3, 2023

Chi

Nitong ika-3 ng Marso ng 2023, nasa tsaahan ako nang umaga at nasa pizzeria nang tanghali. Sa isang mesa sa tsaahan, kinakausap ng manedyer na Pilipinang si Gina ang isang Pilipinong mahaba ang buhok at mukhang bata pa. Parang bagong trabahador. Kung minsan, isip kong "Diva" si "Gina" nga. Sa mesa ko, kumakain ako ng isang sanwits na binili ko sa malapit na tindahan at umiinom ng mayelong itim na tsaa. Nagbabasa ako ng isang siyensiyang piksiyong librong nasa lengguwaheng Portuges na O Planeta dos Dragões ni Anne McCaffrey. Sa pizzeria, sanay akong kumain ng isang piraso at uminom ng Diet Cola. Paglabas ko nang pizzeria, sa tabing tindahan, bumili ako ng tutpeyst at isang inuming ubas na Chi ang tawag.

No comments:

Post a Comment