Nitong maaraw at malamig na ika-30 ng Marso ng 2023, nakita ko si Michael na Danes-Pranses at si Rod. Obsesyon na ni Michael ang mga mahiwagang ilaw-ilaw sa eskinita rito sa Isla Lulu. May mga iba-iba nang hubog sa iba-iba nang lugar. Isip niyang may kaugnayan sa mga ekstraterestreng baka kapareho ng mga anito sa Animismong iniisip ko. Si Rod naman ay naglilinis ng kanyang treyler. Pinag-usapan namin ang bagong Tesla Cybertruck na mukhang galing sa mga pelikulang tulad ng RoboCop ang sabi ko. Dala ko sa lakad ko ang isang kahon ng mga mangkok ng maanghang na instanteng pansit.
No comments:
Post a Comment