Thursday, March 30, 2023

Aleman II

Ngayong maaraw na tanghali nang ika-30 ng Marso ng 2023, dinala kong pagbabasa ang aking minidiksiyonaryo ng Aleman sa pizzeria.  Matagal ko nang pantasyang mag-aral nang mabuti ng Aleman.  Marunong nga ako ng pagbigkas at ilan-ilang mga salita.  Gusto ko sanang magbasa ng siyensiyang piksiyon sa Aleman.  Bulong naman ng may-ari ng pizzeriang si Tharsan, yaong Srilangkano, "Hindi mas magaling ang Aleman kaysa sa Lojban."  Sa arkitektong dalubwika nga, walang mas mabuti ngayong wika kaysa sa Lojban.  Dinala ko rin ang minidiksiyonaryo ng Esperanto, at palagay ko'y magaling at pampalusog itong wika sa isip at katawan ng tao.

No comments:

Post a Comment