Saturday, March 18, 2023

Si Joanne at ang Alemanya

Nitong tanghali nang ika-18 ng Marso ng 2023, natagpo ko sa kalye rito sa Isla Lulu si Joanne, ang asawa ni Rod.  Lahing Ukranyo siya nang ilang henerasyon sa Canada.  Tanong niya kung ano raw ang libangan ko ngayon.  Sabi ko'y nagbiyabiyahe akong birtuwal nang mga imahen ng satelayt sa tablet ko.  Ngayon, namamasyal ako sa mga kalye sa Alemanya.  Kung ikumpara sa mga ibang bansa ng Europa, medyo espartano ang itsura ng mga siyudad sa Alemanya.  Sa guniguni ko, baka parang ganoon ang Tsina.  Ang kapitbahay ng Alemanya, ang Austria, ay parang mas elegante.

No comments:

Post a Comment