Friday, January 12, 2024

Voyeur

Nang malamig na malamig pero maaraw nang ika-12 ng Enero ng 2024, dalawang beses ako sa pizzeria. Lakad ako. May niyebe sa lupa rito sa Isla Lulu at sa mga bundok sa norteng malayo. May kolang pangdiyeta ako sa pizzeria. Iniiwasan ko munang kumain ng pizza dahil marami akong kinain noong Disyembre. Binabasa ko sa mesa ko ang Italyanong librong Il Gattopardo ni Tomasi di Lampedusa. Noong isang linggo, binabasa ko ang bilingguwal na antigong librong Beowulf sa Lumang Ingles at Modernong Pranses. Itong mga araw, nakita ko si Derek R., ang Pilipinong kapitbahay ko. Suot niya palagi ang beysbol na sombrerong may bandera ng Mehiko. Nakita ko rin si Steve, ang puting asawa ni Khathie, yaong Taga-Senegal. Nakikita ko rin si Michael L. J. na Danes-Pranses na ufolohista. Marami siyang nakikita sa pook na mga mahiwagang ilaw-ilaw na sa kanya ay mga ebidensiya ng mas engrande kaysa sa makamundo, mga senyal ng mga taga-ibang-mundo. Sa platapormang X naman, marami akong kinakausap na Hapones. Marami silang magagandang litrato. Parang "voyeur" daw ako, ang sabi ng iba.

No comments:

Post a Comment