Saturday, January 6, 2024

Sibilisasyon

Nang pasado nang hatinggabi nang ika-6 ng Enero ng 2024, kumakain ako sa ilalim ng chandelier, aranya, sa silid-kainan ng bahay dito sa Isla Lulu: May kumquat, siyopaw, cantuccini, at Byetnames na instanteng kapeng markang Vinacafé. Masarap ang Vinacafé. Umuulan sa labas sa gabi. Iniisip kong ang ating sangkatauhang sibilisasyon ay mga limang libong taong gulang lamang. Isipin kung ang sibilisasyon sa kahit saang mundo ay isang daang libong taong gulang o isang milyong taong gulang o isang bilyong taong gulang. Sa tema ng araw, ang numerong 6 ay naging kasabay na simbolo ng Hudyo at Intsik pareho. May lahi ako nang pareho.

No comments:

Post a Comment