May kaunting niyebe pa sa lupa rito sa Isla Lulu nitong ika-13 ng Enero ng 2024. Malamig na malamig na may araw naman. May niyebe sa norteng kabundukan. Lakad ako papuntang pizzeria nang suot ko ang makapal kong militar na berdeng dyaket, pero nakasyorts na berde pa ako at may asul na bota. May kulay-abong touque ako sa ulo. May mapulang fleece na dyaket ako sa paloob, at may kulay-lilang kamiseta. Itim ang medyas ko. Sa pizzeria, binabasa ko sa mesa ko ang Italyanong librong Il Gattopardo ni Tomasi di Lampedusa, habang umiinom ako ng kolang pangdiyeta. Nitong mga araw, may mga kaarawan sa pamilya ko, kaya madalas ang mga planong magrestawran.
No comments:
Post a Comment