Ang lakas ng niyebe sa hapon nang ika-17 ng Enero ng 2024, dito sa Isla Lulu. Lakad ako sa makapal na niyebe papuntang pizzeria. Sa daan, nakita ko si Sandrang nakapulang nagsyosyobel ng niyebe. Taga-Fiji ang pamilya ni Sandra. May lahing Tsino at Indiyano. Mamaya pa, binati ako ni Leo at ni Cathy, mag-asawang Pilipinong bago pa rito sa norteng bansa. Natutuwa sila sa niyebe. Sa pizzeria, naroon si Sachet na Indiyanong tindero at si Rose na Pilipinang tindera. Nagkokolang pangdiyeta ako sa mesa ko, habang nagbabasa ako ng Pranses na librong L'Empire romain ni Pierre Grimal. May nagpipizzang guwapong nakaahit ang ulong may bigoteng itim. Itim ang suot niya. May dumalaw na pamilyang Ruso. Dumalaw ako sa tsaahang Istarbak, pero nagsasara sila nang 15:00, dahil kaunti raw ang staff. Di na ako pumasok. Miyerkoles ngayon. Pag-uwi ko, sa daan, may kapitbahay na Pilipinong sumigaw na, "Syort pa rin!" Naka syorts pa rin ako sa niyebe. Sigaw ko, "Sanay na ako!" Kumaway sa akin ang kapitbahay kong Taga-Cambodiang nakapula ang suot. Nasa Guadalajara pa ang kuya ngayon. Nagpapadala siya ng mga magagandang bidyo at litrato.
No comments:
Post a Comment