Thursday, January 4, 2024

Biko

Sa ika-4 ng Enero ng bagong taong 2024, nasa pizzeria ako sa umaga at sa tanghali din at nasa sa tsaahan din sa tanghali. Sa umaga, sa pizzeria, kumakain ako ng piraso ng pizzang pesto, at umiinom ako ng kolang pangdiyeta. Binabasa ko roon nang ilang araw na ang Pranses na librong Les Contes de Terremer I ni Goro Miyazaki ng Studio Ghibli. Sa tanghali, sa pizzeria, umiinom na naman ako ng kolang pangdiyeta. Pinalitan ko ang baon kong libro sa Portuges na Os Filhos de Matusalém ni Robert A. Heinlein. Binabasa ko roon sa pizzeria at tsaahan. Sa tsaahan, may itim na tsaang may yelo ako. Sa pizzeria, may dating kasama sa trabaho ni Rose, yaong Pilipinang tindera, na Pilipina rin. Binigyan niya si Rose ng biko. Binigyan naman ako ni Rose nang dalawang piraso ng maputing madilaw na biko. Dumalaw sa pizzeria si Tanya, yaong Anglo-Sahonang barista sa tsaahan. Sa tsaahan, naroon ang mga baristang si Francis na mestisong lahing Cree at Ingles, at saka si Chris na mestisong lahing Hapones-Ingles naman. Sa bahay, sa tanghalian at hapunan, ispageti ang pagkain ko. Sa tema ng araw, ang numerong 4 ay naging simbolo ng Budismo. Sagrado sa mga Hapones ang numerong 4.

No comments:

Post a Comment