Nang malamig na malamig na medyo maulap na hapon nang ika-14 ng Enero ng 2024, lakad ako papuntang pizzeria rito sa Isla Lulu. Habang nagbabasa ako ng Italyanong librong Il Gattopardo, may napuna akong lalaki sa kabilang mesang mukhang Hapones: "Nihonjinrashii," bulong ko sa sarili ko sa Hapones, "Mukhang Hapones." Binati ko siya. Hapones nga siyang ang pangalan ay Jiro. Pinanganak siya sa Bangkuber. Dumating dito sa ibang bansa ang mga magulang niyang mga Hapones noong dekadang 1960. Kamukha siya ni Wakatsuki Fumio-san, yaong sopwer na inhenyerong kontraktor para sa sopwer na korporasyon sa trabaho ko sa Tokyo noong dekadang 1990. Sabi ko kay Jiro, "Biku-chan" ang tawag sa akin sa Hapon noon. Maraming beses daw siyang dumalaw sa Hapon. Binigyang diin niya ang Kobe. Sabi kong ang paborito ko'y pagkain ng Hapon at Taylandiya. Siya rin daw. Marunong siya ng mga ponogramang Katakana at Hiragana. Mas mahirap sa aming pareho ang Kanji, ang mga logograma. Marunong siyang kaunting maghapones, katulad ko. Sa pizzeria, dumalaw ang Srilangkanong may-aring si Tharsan. Naroon na si Rose, yaong Pilipinang tindera. Naroon pa si Lavjot, yaong Indiyanang tindera.
No comments:
Post a Comment