Nang malamig pero maaraw na ika-15 ng Enero ng 2024, sa umaga at sa hapon, naroon ako sa pizzeria rito sa Isla Lulu. Naroon ang mga Indiyanong tinderong si Sachet at si Simar. Magbabakasyon daw si Simar sa Panjāb. Malamig din daw doon ngayon, hindi parang "Tamil Nadu," yaong tropikong estado sa timog na binanggit ko naman. Sabi kong natikman ko na ang mga biskwit o kuking Panjabing kinakain nang may tsaa. Masarap. "Anong pinakamasarap na pagkain doon?" tanong ko. Sabi niya, "Amritsari Kulcha," yaong tinapay na relyeno nang patatas at espesya. Sa relihiyon, ang preperensiya ni Simar ay Budismo at Hinduismo, miski na Sikh ang pamilya niya talaga. "Mag-aasawa ka ba? May gerlpren ka ba?" tanong niya sa akin. "Wala. Monghe ako," sabi ko. "Pero dati mayroon ka?" "May mga babaeng natagpo ko." "Noong mas bata ka," sabi ni Simar. Tanong ko naman, "Ikaw ba? Akala ko may gerlpren ka." "Wala nga," sabi niya. Biro naman ni Sachet, "Lima o anim ang gerlpren niya!" "Isang araw para magpahinga!" biro ko naman. Si Sachet naman ay Gujarati, at binisita niya ang Indiya nang dalawang taon na ang nakalipas. Sa malaking tindahan, kumuha ako ng dalawang pakete nang markang Ho-land na hopyang ube-langka. Baon ko ang Italyanong libro ko.
No comments:
Post a Comment