Nang madaling-araw nang ika-7 ng Enero ng 2024, nasa ilalim ng chandelier, aranya, ng silid-kainan ng bahay ako para magmeryenda: May takoyaki at salabat oregano ako. Di naman umuulan ngayon sa labas. Sa bahay, suot ko ang berdeng dyaket ko at ang berdeng sombrerong safari ko. Ang berde ay naging simbolo ng lengguwaheng Esperanto. Sa tema ng araw, ang numerong 7 ay naging simbolo ng Hapones. Sa maulap nang umaga, lakad ako papuntang tsaahan. Sa tsaahan, naroon ang mga baristang si Anna, yaong Pilipina, si Karina, yaong Rusa, at si Sarah, yaong Inglesa. Sa isang mesa ay ang mga regular sa Linggo, yaong isang Mediteraneo, dalawang Ingles, at isang Kantones. Dumalaw si Lyle, yaong may itsura. Sa mesa ko, kumakain ako ng sanwits na may salsitsas, cheddar, at itlog na may salsang Sriracha. May iniinom akong tsaang itim na may yelo. Binabasa ko ang baon kong Portuges na librong Os Filhos de Matusalém ni Robert A. Heinlein. Sa labas ng bintana, sa isang mesa, ay si Les, yaong Haponesa, at ang kaibigan niyang Tsina. Mamaya pa, nasa malaking tindahan ako para kumuha ng isang kahon ng mga maliliit na pakete ng instanteng kape at isang kahon ng mga pizzelle, yaong bilog na wafer na Italyano.
No comments:
Post a Comment