Sunday, January 14, 2024

UFO ni Frank

Nang malamig na malamig na maaraw namang ika-14 ng Enero ng 2024, natunaw na ang karamihan ng niyebe sa lupa rito sa Isla Lulu, pero may niyebe sa malayong norteng kabundukan. Lakad ako papuntang pizzeria. Naroon si Lavjot na Indiyanang tindera. Deluxe na pizza at kola ang pagkain ko. Mamaya pa, nasa tsaahan ako para itim na tsaang may yelo sa isang mesa. Naroon ang Indiyanang baristang si Nabhi. Dumalaw si Frank na Olandes na huling nakita ko bago pa ng Pandemya. Pinagbili na raw niya ang bahay niya, at nakakondo na siya ngayon. Mag-isa siya ngayon. May anak siyang lalaking naghayking sa Europa at maghahayking sa Taylandiya. May nililigawan si Frank na "maganda" raw na Pilipinang Angelinang dumadalaw rin sa tsaahan. Ang kuwento ni Frank noong Gradong 12 siya nang 1979 ay pumunta ang klase niya sa Isla Galiano. Isang gabi sa malapit sa piyer, sa ibang islang kabundukan, may nakita siyang metalikong asul na lumilipad na soser, UFO. Yaong penomeno raw ay iniba ang isip niya tungkol sa relihiyon. Reform ang denominasyon ni Frank. Sang-ayon kaming gawa ng tao ang relihiyon. Sabi kong kung bakit nagtatago ang ekstraterestre sa tao ay baka ang buong Tiyera ay parang eksperimento, o kaya, parang laruang terrarium. Usapan din namin ang Artipisyal na Intelihensiya. Balita niyang may ginagawa raw ng mga Manikang AI na puwedeng kausapin at magromansa. Kita niya ang binabasa kong Italyanong librong Il Gattopardo. Napuna niyang lakad daw ako nang lakad, ang natutunan ko sa buhay sa Tokyo.

No comments:

Post a Comment