Friday, January 5, 2024

Ahedres

Nang umuulang umaga nang ika-5 ng Enero ng 2024, Biyernes, lakad akong nakapayong papuntang pizzeria. Sa pizzeria, naroon ang Pilipinang tinderang si Rose. May kolang pangdiyeta ako. Tanong niya, "Hindi ka na ba sawa sa drink?" Sabi ko, "Wala kayong ibang diyeta. Hindi kabisado sa akin ang asukal." Dagdag ko, "Alam kong mas masarap ang gulaman at sago nang may kasamang siyopaw. Pero hindi tayo nasa Pilipinas, di ba?" Ganoon ang buhay namin dito sa Isla Lulu. May berdeng piraso ako ng pizzang pesto. Ang berde ay simbolo ng lengguwaheng Esperanto. Kagabi, uminom ako ng isang lata ng gulamang itim mula sa tindahan. Sa tanghalian, ispageti ang kinain ko sa bahay. Tapos, bumalik akong lakad sa ulan sa pizzeria. Kasama ni Rose ngayon ang tinderong Indiyanong si Sachet. Tubig na lamang ang lumalabas sa makinang puwente para sa kolang pangdiyeta, kaya mas mahal na bote ng kolang pangdiyeta ang nabili ko. Sa isang kawnter, may tatlong Mormon ang naglalaro ng Tsinong ahedres: isang Amerikano yata, isang Taga-Beijing, at isang Taga-Taiwan. Marunong silang lahat ng Mandarin. Tapos, may nakatindig na nanonood na lolong Kantones na hindi yata marunong ng Mandarin. Madalas siya sa pizzeriang nagbabasa ng Tsinong diyaryo. Yaong tatlong Mormon ay nagpipizza habang naglalaro. Sana'y dala ko ang kamera ko. Nitong mga araw, sa pizzeria, baon kong binabasa ang Portuges na librong Os Filhos de Matusalém ni Robert A. Heinlein.

No comments:

Post a Comment