Nitong ika-20 hanggang ika-25 nang Agosto ng 2024, madalas ako sa kapihang Istarbak. Kinakausap ko si Greg na Pilipino tungkol sa maraming bagay, katulad ng pagkain, kasaysayan, antropolohiya, relihiyon, wika, at iba pa. Pinag-usapan namin ang relihiyon sa Aprika: Kristiyanismo, Muslim, at Animismo. Ang Animismo ang orihinal, at nabanggit kong yaong mga natirang Animista ay pinupuwersa nang mga Kristiyano at mga Muslim na magkumbersiyon. Sa labas, suot ko ang mga bago kong sombrerong pasadyang may propaganda tungkol sa mga wika, katulad ng Tagalog, Chabacano, Lojban, Esperanto, at iba pa. Otmil sa kapihan ang paborito ngayon ni Greg. Binibigyan niya ako ng kesong deynis. Tuloy ang pag-inom ko ng mayelong berdeng tsaa. At siya naman ay kape o moka. Naubos na ang mayelong inuming dayap sa kapihan. Kinakausap ko rin si Hans na Olandes na nakasilyang de-gulong. Mahilig kami sa astronomiya at espasyong teknolohiya, katulad ng Internasyonal na Espasyong Estasyon at ng Tsinong Tiāngōng o Selestiyal na Palasyo. Mahilig si Hans ng Awstralyanong regalis na itim na kendi. Parang maaga ngayon ang panahon ng otonyo. Makulimlim. Iniisip na ng iba ang Halloween.
No comments:
Post a Comment