Tuesday, August 27, 2024

KORN DOG

Mga alas-katorse, mabughaw ang langit, at saka maaraw. Lakad ako papuntang botika para bumili ng dental floss. Nakita ko roon si Miles na Ingles na hardinero sa mga apartment na malapit. Mabiro siya talaga. Sa makinang kahera roon, binati ko si Aaron, yaong guwapong pandak na Pilipinong may dalawang anak na. Tapos, nasa pizzeriang Yami ako. Naroon ang tinderong Gujarating si Sachet na balbasin. Umiinom lamang ako ng kolang pangdiyeta. Mamaya pa, ako lamang ang kostumer doon, pag-alis nang iba. Sa labas ng bintana, nakita kong dumaan si Hans na Olandes sa kanyang silyang de-gulong. Sa malaking tindahan, naghahanap ako ng langka at ng mga Asyanong popsikel sa mga freezer doon. Wala. Nabili ko ang isang asul na kahon nang 18 korn dog. Ika-27 ng Agosto ng 2024 ngayon dito sa Isla Lulu.

No comments:

Post a Comment