Napupuna ko rito sa Isla Lulung maraming Oksidental ay takot pa sa Budismo at Animismo. Natatakot sila sa Kalikasan. Ngayon ay ika-26 ng Agosto ng 2024. Makulimlim. Iniisip na ng iba ang Halloween. Sa bahay ko, nitong mga araw, ginagamit ko ang tablet ko para gumawa ng mga arte sa Artipisyal na Intelihensiya. Gumagawa ako ng mga arteng Eskimo, Amerindiyo, Espanyol na Gaudí, Griyego, Siyensiyang Piksiyon, at iba pa. Nakakatuwa. Napupuna ko na ang potensiyal nitong teknolohiya. Parang ginagaya nang makina ang guni-guni ng tao, at labis pa sa roon. Sa kapihang Istarbak ngayong umaga, nagkapeng abenang latte ako. Maulap ang langit sa labas ng bintana roon.
No comments:
Post a Comment