Nagising ako sa umagang mula sa panaginip na may tarotaro o galit sa akin ang isang itik. Maaraw sa umaga, ngunit medyo maulap. May bughaw naman sa langit ngayon, pagkatapos nang ulan kahapon. Lakad ako papuntang kapihang Istarbak. Doon, umiinom ako ng mayelong berdeng tsaa, at kumakain ako ng croissant na may hamon at Suwisong keso. Suot ko ang pulang touque kong may naranghang sulat: "MGA AWSTRALYA ANG MGA ESTRELYA!" Pag-uwi ko, sa daan, sa parkeng eskinita, nakita ko si Michael, yaong ufolohistang Danes-Pranses. Napuna niya ang touque ko. Pinag-usapan niya ang buhay niya sa Jasper nang ilang taon. Mas maganda raw doon kaysa sa Banff. Musiko siya. Sa bahay, umiinom ako ng tubig na may dayap, mainit o malamig. Ika-27 ng Agosto ng 2024 ngayon dito sa Isla Lulu.
No comments:
Post a Comment