Saturday, August 3, 2024

Gera-gera III

Maraming iba-ibang klaseng siyensiyang piksiyon ay tungkol sa gerang nuklear. Sa mga "manga" ni Taiyō Matsumoto na seryeng No. 5 ay panahong post-apokaliptikong ang daigdig ay naging disyerto. Sa pelikula ni George Lucas na THX 1138, nasa subteraneong ultramodernong relihiyosong siyudad ang mga natirang tao. Para silang Budista-Katoliko. Sa libro ng Taylandes na si Somtow Sucharitkul na Starship & Haiku, ang mga natira'y nasa mundong puno ng polusyon ng gera. Sa libro ni Ursula K. Le Guin na Always Coming Home, matagal na matagal na ang panahon ng gerang nuklear na halos wala nang nakakatanda, at ang mga tao'y parang mga Natibong Amerindiyo ang buhay, miski na may abansadong teknolohiyang natira sa malayo. Sa prangkisang Planet of the Apes, ang mga tsimpanse, babun, at gorilyang lumaki ang utak ang mga hari nang mundong ang mga tao'y alipin lamang.

No comments:

Post a Comment