Sa gabi nang ika-26 ng Agosto ng 2024, ulan nang ulan nang parang sa planetang Ferenginar sa Istartrek. Lakad ako papuntang pizzeriang Yami rito sa Isla Lulu para kumain ng delaks na pirasong pizza at magkolang pangdiyeta. Naroon ang may itsurang may-aring Srilangkanong si Tharsan at ang Panjabing tinderang si Navjot. Dinala ko ang lata ng kola ko papuntang kapihang Istarbak, at bumili ako roon ng croissant na may hamon at Suwisong keso. Umupo ako. Naroon ang baristang si Kristina, yaong mestisa nang Inuit at Norwega. Maitim ang buhok niya. Di siya marunong ng Inuktitut, kagaya ni Chris na baristang mestiso nang Hapones at Ingles na di marunong ng Hapones. Nasa kapihan din ang Panjabing baristang si Jot. Sa isang mesa ay ang Ingles na si Peter na regular na kostumer. Mahilig siya sa mga pagkaing Hapones at Tsino. Nag-aral siya ng Tsino.
No comments:
Post a Comment