Friday, April 26, 2024

Wisteria

Dati may wisteria kami sa likod ng bahay dito sa Isla Lulu. Dating gumagapang yaong halaman sa patay na puno ng moradong sirwelas na paborito ng Lolo Pito ko. Biyoleta ang mga bulaklak. "Fuji" pala ang isang salita sa Hapones para sa wisteria. Gusto ko ang kulay na biyoleta at ang wikang Lojban. Nagkapeng itim na may yelo ako sa kapihang Istarbak. Busog ako sa umaga, at hindi ko kinain ang baon kong hopyang munggo ng markang Maynila's Choice. Berde at puti ang balot. Gusto ko rin ang Esperanto nga. Iba ang ayos ng mga mesa sa loob ng kapihan ngayon. Sa labas, may tatay na mukhang Amerikanong Italyanong nakaahit ang ulong naglalaro ng bola sa kanyang mestisong anak na lalaki, at nakaestambay ang nanay na Tsina. Pagbalik ko, kinuha ko mula sa Pilipinang kapitbahay naming si Tita Zeny ang bigay na tinapay. Taga-Pampanga siya. Umaambon ngayong ika-26 ng Abril ng 2024, sa Isla Lulu rito.

No comments:

Post a Comment