Tuesday, April 23, 2024

Ang Sakura at Magnolya

Nagtagal ako sa kapihang Istarbak sa maaraw na umaga. Sa mesa ko, umiinom ako ng represyer na espesyang prutas ng dragon o pitahaya. Kumakain ako ng binaon kong hopyang ube ng markang Maynila's Choice. Tapos, nagkapeng itim akong may yelo. Binigyan pa ako ng Inglesang baristang si Tanya ng isang maliit na sampol ng represyer na espesyang istroberi. Hindi na sumisipot yaong Pilipinong si Greg nang mga alas otso. Hinihintay siya. Pero, nagmemeditasyon na lamang ako. Budista-Animista ako. May silahis ng araw mula sa malaking bintana sa kapihan. Binati ako ni Miles na Ingles na lalaki. Tinanong niya kung anong iniinom ko, yaong may prutas ng dragon. Sa ibang mesa ay si Marlin, yaong Pilipina, at si Les, yaong Haponesa. Dumalaw para kumuha ng order yaong guwapong lalaking mukhang sundalong nakakulay-abong kargong pantalon. Sa labas, umulan nang mga bulaklak ng sakura at magnolya. Ngayon ay ang ika-23 ng Abril ng 2024.

No comments:

Post a Comment