Kulay-abo ang langit sa umaga. Lakad ako. Sa kapihang Istarbak dito sa Isla Lulu, naroon si Jessicang Byetnamita, si Annang Pilipina, at si Nabhing Indiyana. Ang mga Byetnamita ay parang mga Taylandes ang ugali. Di ko pa narating sa katawan ang Byetnam, pero napasyalan ko na sa IstritByu sa Web. Narating ko na ang Taylandiya sa katawan. Sa kapihan nitong umaga, kumakain ako ng hopyang munggo ng markang Maynila's Choice. May kapeng itim na may yelo ako. Sa kapihan, natagpo ko ang dalawang Hispanik, isang Taga-Colombia at isang Taga-Guatemala. Bagong dating lamang ang Taga-Guatemala, at mga anim o pitong buwan pa lamang siya rito sa BC. Akala ko sa umpisa'y Arabe o Europeo siya. Nagkakastila kami sa usap. Julio ang pangalan niya. 47 anyos na gulang daw siya. "Ebangheliko" raw ang relihiyon niya at ang mga magulang niya. Sabi ko'y "Budista-Animista" ako, pero hindi raw niya alam yaong bagay. Nasa konstruksiyon siya sa Surrey. Sa Guatemala, "la vida es dura" o "mahirap ang buhay" daw at sang-ayon kami kung walang trabaho. Mas maigi raw rito. Marami raw mga Mehikano at iba pang Hispanik sa konstruksiyon. Nagkakastila sila, at di sila masyadong marunong mag-ingles. Ngayon ay ang ika-27 ng Abril ng 2024.
No comments:
Post a Comment