"Warui sora da ne..." bulong sa Hapones ng Pilipinong manedyer na si Ross sa kapihan na Istarbak: "Masamang langit, di ba?" Malamig at umuulan nga sa umaga. Payong na naman. Sa mesa, may kape akong itim na may yelo. May baon akong hopyang ube ng markang Maynila's Choice. Paborito ko ang kulay-lila at ang wikang Lojban. Sa ibang mesa ay si Peter na puting doktor. Papuntang Italya raw siya ngayon. Sabi ko'y paborito kong narating ko na ang antigong Lungsod ng Venezia. Sa iba pang mesa ay yaong parang Amerikanong Italyanong nag-oordenador. Nagwawalis ang baristang Byetnamitang si Jessica. Pinag-usapan namin ang biyahe at bakasyon. Naroon din ang baristang si Sohanang Indiyana. May pumasok na mga Pilipino. Sabi ng isang lalaking si Romyo'y Taga-Tanauan sa probinsiyang Batangas daw siya. Alam niyang kilala ko si Glen at si Perlita ng Batangas. Taga-Ibaan sa Batangas ang pamilya ko ang 'ika ko. Sa Lungsod ng Quezon sa Kalakhang Maynila dati ang tahanan namin naman. Ngayon ay ang ika-25 ng Abril ng 2024, sa Isla Lulu rito.
No comments:
Post a Comment