Nakapayong na naman ako sa huli nang umaga. Para nang nasa maulang Ferenginar na planeta sa Istartrek. Nasa Yaming pizzeria ako para kumain ng pepperoning pizza at uminom ng kolang pangdiyeta. Naroon ang tinderang si Nimrit, yaong eleganteng payat na mukhang Ehipsiya, pero talagang Indiyana siya. Noong 25 anyos na gulang ako, nagbakasyon ako sa mahikang Ehipto. Sa pizzeria, tunog ang Radyong Sonik, yaong alternatibong rok. Ang palabas sa telebisyong walang tunog ay Balitang KOMO 4, mula sa estadong Washington. Dati ang apartment ko ay katabi ng Lawa ng Sammammish sa Redmond doon, hindi malayo sa Seattle. Ang mga salitang "Sammammish" at "Seattle" ay lumad na Amerindiyo roon. Naglalakad sa labas ng pizzeria ang dalawang trabahador na Pilipinong nakapantalong kargong makisig. Sa loob, binabasa ko ang Kastilang librong Crónicas de Majipur ni Robert Silverberg. Ngayon ay ang ika-25 ng Abril ng 2024, sa Isla Lulu rito.
No comments:
Post a Comment