Wednesday, April 24, 2024

Eskuwela

Umaambon sa hapong makulimlim ang langit. Lakad muli akong nakapayong. Sa tabi ng prituhan ng manok at Byetnamitang restawran ni Layla, binati ako ni Miles na Ingles na nakanaranghang suot ng trabahador. Land-iskeyp na mantinimyento raw siya sa mga apartment. Tuloy ako sa kapihang Istarbak. Sa loob, kumaway ako kay Hans na Olandes na nakasilyang de-gulong. May bagong baristang si Maria, yaong Pilipina. Bumili ako sa kanya ng kapeng itim na may yelo. Mamaya pa, may croissant na tsokolate ako. Kinausap ko si Don, yaong puting kostumer, tungkol sa mga eskuwela namin dito sa Isla Lulung elementarya at hayskul. Naroon ang mga baristang si Jam na Pilipino, si Chris na mestisong Hapones-Ingles, si Joannang Inglesa, si Denise na Pilipina, at si Jessicang Byetnamita. Ngayon ay ika-24 ng Abril ng 2024.

No comments:

Post a Comment