Thursday, April 25, 2024

Ang Sereso at Magnolya

Sa loob ng kapihang Istarbak sa hapon, binabasa ko ang Kastilang librong Crónicas de Majipur ni Robert Silverberg. Umiinom ako ng malamig na lavender na abenang matchang latte. Kumakain ako ng baon kong hopyang ube ng markang Maynila's Choice. Gusto ko ang kulay na morado at ang wikang Lojban. Ang mga barista ay si Leou, yaong Taga-Hunan sa Tsina, si Chris, yaong Hapones-Ingles na mestiso, si Denise, yaong Pilipina, si Francis, yaong mestisong Amerindiyong Cree at puti, at si Joanna, yaong Inglesa. Naroon din ang manedyer na Pilipinong si Ross. Binati ko si Hans, yaong Olandes na nakasilyang de-gulong. Binati ko rin si Květa, yaong Tseka. Tumuloy naman ako sa Yaming pizzeria. Naroon ang mga tinderong Indiyanong si Sachet, si Nimrit, at si Navjot. Nag-isang piraso ako ng pizzang Deluxe. Nagkolang pangdiyeta ako. May mga adolesente roon. Pag-uwi ko, binati ko sa daan ang Pilipinong si Leo, yaong Taga-Iloilo. Tuloy ang ulan sa hapon. Lagas ang karamihan nang mga petalo ng mga bulalak ng sereso at magnolya. Ngayon ay ang ika-25 ng Abril ng 2024, sa Isla Lulu rito.

No comments:

Post a Comment