Tuwing biyernes, mas puno nang tao ang kapihan o tsaahang Istarbak, kaya sa hapon ngayon ay iniiwasan ko. Iibahin daw ang mga oras nilang bukas para sa mga gabi; parang hanggang alas nuwebe ang narinig ko. Magaling sanang may tsaahan o kapihan sa gabi. Parang ganoon ang Asyano. Nasa kuwarto na lamang akong nag-iinternet at nag-eehersisyo ngayon. Nagtanghalian na ako sa bahay. Nagdutsa na ako. Sa bintana ng kuwarto, kita ko ang mga dahon ng halamang rosas, at ang langit ay kulay-abo. Baka lumabas ako mamaya para lumakad nang paikut-ikot sa cul-de-sac sa kapitbahayan. Mamayang hapon, pumunta na rin ako sa Yaming pizzeria para magkolang pangdiyeta. Tuloy na rin ako sa Istarbak. Naroon ang mga regular na senior. Nakita ko ang mga kapitbahay kong si Barb at si Ken, yaong nakatangke ng oksiheno na. Nag-order ako kay Jam na bonggang Pilipinong baristang mahaba ang buhok at may bigote nang kapeng itim na may yelo at sanwits na salsitsas, tsedar, at itlog. Dumalaw ang isang mukhang Arabeng may itsurang nagsayaw sa musika. Lumabas-pasok yaong guwapong adolesenteng kamukha ng Austrianong kaibigan ko sa eskuwela dati: si Danny K. May mga senior na Pransesang dagdadaldalan sa Pranses; parang hindi Québécoises. Dumating na kahapon ang librong inorder ko, yaong La Aventuroj de Alicio en Mirlando ni Lewis Carroll: bilingguwal na Esperanto at Ingles ng JiaHu Books. Ngayon ay ang ika-26 ng Abril ng 2024, sa Isla Lulu rito.
No comments:
Post a Comment