Wednesday, April 24, 2024

Hapi-Go-Laki

Umuulan ngayon. Kulay-abo ang langit. Nakapayong ako sa lakad ko papuntang kapihang Istarbak. Doon, nagkakape akong itim na may yelo. Kumakain ako ng baon kong hopyang ube ng markang Maynila's Choice. Sa ibang mesa ay si Dennis, yaong mestisong Tsino-Aleman. Naglalaro ng Sudoku. Sa ibang mesa ay may mukhang Amerikanong Italyano o parang ganoon. Nag-oordenador sa mesa. Kahapon, sabi ng baristang si Sarah kay baristang si Tanyang "Hapones na Europeo" raw ako. Ganoon nga ang ugali ko. Mukhang makulimlim ang pakiramdam ng mga tao ngayon sa Isla Lulu. Napupuna nga ng kapitbahay kong Pilipinong si Tito Ed na Taga-Bikol. Sa wikang Portuges, may "saudade" ako ngayon, parang nostalhiya baga. Nasa ibang kapihan na dumadalaw si Chen, yaong mukhang sundalong tabatsoy na Intsik. Hindi ako nagtalaarawan noong nasa Hapon ako. Baka mas importante pa yaong panahon kaysa sa ngayon dito sa Hilagang Amerika. Noon, talagang "hapi-go-laki" ako. Ngayon, sabi ni Sarah ay mag-croissant na tsokolate raw ako. Isang araw na lamang muli, sa isip ko. Gusto ko nga yaong meryenda. Ngayon ay ika-24 ng Abril ng 2024.

No comments:

Post a Comment