Sunday, July 16, 2023

Yumi III

Pasado nang 18:00 nang ika-16 ng Hulyo ng 2023, mabanas na may kaunting hangin naman habang naglalakwatsa ako sa mesa sa harapan ng bintana sa labas ng pizzeria. Nagkokola ako. Ngayon, ubos na ang mga pakwan sa loob ng malaking kahon ng Pakwang Yumi ng pruteriya. Naroon pa ang batang pruteriyang trabahador na may kayumangging buhok. Sa tingin ko, mas mahirap pa ang trabaho niya kaysa sa programming pangkompyuter. "Klutzy" ako talaga sa mga pisikal na trabaho. May dumalaw sa pizzeriang guwapong tabatsoy na itim ang buhok, balbasin, at may mga tato sa kanang braso. Maasul na kulay-abo ang tisyort niya, at itim naman ang korto. May itim na backpack siya.

No comments:

Post a Comment