Nilabas ko ang Esperantong librong tungkol sa gubat ng Brasil na Tra lando de indianoj ni Tibor Sekelj mula sa berdeng sakong kambas ko, at nagbabasa ako sa tsaahan nitong maaraw na ika-4 ng Hulyo ng 2023. Nagtsatsaang itim na malamig ako. Kinamusta ako ng Taga-Indiyang baristang si Gopika. Noong una nitong buwan, nakita raw niya ang mga paputok sa Nayon ng Steveston dito sa Isla Lulu. Marami siyang kaibigan daw na Pilipino. Sa Indiya at Pilipinas, mas malaki ang mga pirotekniko. Sabi ko kay Gopikong noong bata ako sa Metro Manila, ang langit sa gabi ay berde dahil ng mga paputok. Sa tsaahan, naroon din si Lyle na nakaitim na kamiseta at itim na cargo pants. May salaming pang-araw siya. Dumalaw din si Michael na mestisong Tsino-Ingles para isang order na pulang pampalamig. Nakapulang kamiseta siya at itim na pantalon. Pagbalik ko sa bahay nang pasado nang umagang alas 7, kumain ako sa naaarawang balkonahe ng rolyong tokwa at nilutong saba. Sa guni-guni ko, Esperanto at Chabacano itong mga gawa.
No comments:
Post a Comment