Monday, July 3, 2023

Tokwa

Nang pasado nang 17:00 nang ika-3 ng Hulyo ng 2023, nasa tsaahan sa Isla Lulu ako para isang baso ng malamig na tsaang maitim. Naroon ang mga baristang si Kristinang mukhang Pilipina, si Chris na mestisong Hapones-Ingles, at si William na Tsino. Dumalaw ako sa bagong bisnes sa pook, isang tindahan ng mga dimsam at sari-saring pagkain, tulad ng machang, siyomay, at mga ganoon. Nabili ko ang isang sako ng walong rolyong tokwang kortang may lamang tinadtad na isda. 18 dolyar ang sako. Pag-uwi ko, nasa labas ng duplex si Al at si Rochelle na naninigarilyo.

No comments:

Post a Comment