Ika-23 ng Hulyo ng 2023 ngayong mabanas at medyo maulap na araw. Nagtakoyaki ako sa almusal at tanghalian sa balkonahe. Ang Hapones na takoyaki ay pirasong kugitang nakabalot sa bola ng harinang trigo. Nagpapaalala ang takoyaki sa akin tungkol sa kaibigan kong si Takahashi-san sa Hapon. Ang pangalan niya ay "mataas na tulay" ang ibig sabihin. Mahilig siyang magkayak sa kalikasan. Dito naman sa Isla Lulu, nag-party ang kapitbahay ko dahil sa anak niyang babaeng kaarawan ngayon. Pag tinitingnan ko ang halamang Hawayanong plumeria, naiisip ko si Brittany, yaong "birthday girl" nang 30 anyos na gulang. May mga malaking balloon ng "3" at "0" na silver. Maraming karne ngayon dahil nga sa pista. Dalawang beses akong pumunta sa pizzeria sa Isla Lulu ngayon. Sa daan, nakikita ko si Michael na Danes-Pranses. Pinag-usapan namin ang mga mahiwagang ilaw-ilaw sa eskinitang may kaugnayan daw sa UFO sa isip ni Michael. Iniisip namin ang buhay sa labas ng Tiyera. Sabi kong malamang na ang DNA ay lokal sa ating Tiyera. Kung may "panspermia" sa kalawakan, puwede rin ngang may DNA sa labas ng Tiyera. Ang orihen ng mga buhay sa kalawakan ay baka kombinasyon ng mga "panspermia" at mga independiyenteng "abiogenesis" sa mga iba-ibang mundo. Sa "panspermia," lumalagpak sa mga ibang mundo ang mga butil ng buhay mula sa mga meteoro o kometa. Mayroon ngang espekulasyong ang Tiyera ay "tinamnan" ng mga taong buo na. Sa ibang tema naman, 23 anyos ako nagtapos sa unibersidad. Tumira sana ako roon.
No comments:
Post a Comment