Ika-14 ng Hulyo ng 2023 ngayong mabanas na araw. Maganda ang langit. Sa umaga, nasa tsaahan sa Isla Lulu ako para isang baso ng mayelong itim na tsaa. Naroon sa tabing mesa ang tabatsoy na si Chen, yaong Tsinong mukhang sundalo. Nakaberdeng tisyort siya at berdeng korto. May berdeng kambas na sako siya sa mesa. May ginawang kakaiba siyang sinulatan ang mga kamay niya nang pen. Naroon din si Dennis na mestisong Tsino-Alemang naglalaro ng Sudoku sa ibang mesang may mga de-kolor na pensil. Sa mesa ko, nagbabasa ako ng Esperantong librong tungkol sa gubat ng Brasil na Tra lando de indianoj ni Tibor Sekelj. Katulad ni Chen, may berdeng kambas na sako rin ako. Nasa pizzeria ako sa huli ng umaga para magkola. Naroon si Michael na mestisong Tsino-Ingles. Nakaberdeng tisyort siya at makisig na itim na sapatos. Sa tema ng araw, ang numerong 14 ay paborito ng maraming Hapones. Nitong mga araw, sa bahay, ang focus ko ay ang bokabularyo ng Lojban. Mayroon akong mga diksiyonaryo ng rima at ng prekuwensiya. Kahapon, sa pizzeria, may magandang lalaking nakakorto. Mabalahibo siya, at itim ang buhok niya. Raro ang katulad niya rito sa Isla Lulu.
No comments:
Post a Comment