Sunday, July 2, 2023

Stonehenge

Nang maaraw na umaga nang ika-2 ng Hulyo ng 2023, dala kong lakad ang berdeng kambas na sakong medikong militar kong may mga papeles sa loob. Parang nag-oopis ako sa tsaahan sa Isla Lulu. Habang umiinom ako ng mayelong itim na tsaa, nag-aaral ako ng Lojban, sa mesa ko. Kumain ako ng isang binalot na kesong feta, espinaka, at puti ng itlog. Kaninang mas umaga pa, sa bahay, tumawag sa Mama si Calla, ang pamangkin kong nag-oopis ngayong siyentipiko sa London sa Inglatera. Pinakita niya ang opis niya sa kalye roon. Sigaw ko, "Pumunta ka sa Stonehenge!" Naranasan ko na rin ang London, pero ako mismo'y di pa dumalaw sa Stonehenge. Nagpapaalala ang nararanasan ni Calla nang noong nagtratrabaho ako sa Tokyo sa Hapon.

No comments:

Post a Comment