Sunday, July 16, 2023

Balkonaheng Meryenda

Pasado nang 15:00 nang mabanas na ika-16 ng Hulyo ng 2023, nasa balkonahe ako sa bahay sa Isla Lulu. Kumakain ako ng suman, yaong nakabalot sa berdeng dahon ng saging at mahabang piramide ang korte. Mayroon din akong hopyang ube, yaong markang Maynila's Choice. Kasama sa meryenda ko ang isang baso ng mainit na tsaa, yaong Berdeng Chai. Sa tanghalian at hapunan, "la comida china" ako.

No comments:

Post a Comment