Umumpisa ang mabanas na araw nang ika-15 ng Hulyo ng 2023 sa tsaahan sa umaga para sa aking baso ng mayelong itim na tsaa. May dumalaw na guwapong muskuladong pandak na lalaking maitim at malago ang buhok. Nakaitim na tisyort at korto siya. May bigote. May ibang mga magagandang lalaki. Sa hapon, sa naaarawang balkonahe, nakikinig ako sa Awstralyanong Aboriheng musikang mga album na Didgeridoo Dreamtime, Music of the Australian Aborigines, Woomera, at Didgeridoo and Tibetan Singing Bowl. Itong huli ay kombinasyon ng Asya at Awstralya. Mamaya pa, suot ko ang aking sombrerong safari, yaong berdeng may itim na mesh sa itaas para sa bentilasyon, nasa pizzeria ako, sa mesa sa harap ng bintana, para magkola. Dumalaw muli ang guwapong nakita ko noon pang ika-13 nitong buwan. Mukha siyang Mediteraneo. Mabalahibo ang mga binti niya. Nakakortong itim siya at kulay-abong sweatshirt. Pag-uwi ko, nakita ko sa daan si Kiara, yaong magandang mulatang dalagang may-ari ng mahal na pusang mukhang leopardo. Nakita ko ring sa kotseng pumarada si George, yaong Tsipreng Griyego, at ang kanyang dalagang anak na Haponesang mestisang si Chloe.
No comments:
Post a Comment