Sa gabi nang ika-15 ng Hulyo ng 2023, nasa pizzeria ako para magkola at magkesong pizzang isang piraso. Naroon ang dalawang tinderang si Agaccha, yaong Taga-Indiya, at si Rose na Pilipina. Dumalaw ang isang magandang binata, yaong nakita ko na noong isang linggo pa. Yaong adolesente ay medyo tabatsoy, pero muskulado. Nakaitim na tisyort at track pants siya. Sa ulo, may itim na Rusong "ushanka" siya, yaong taglamig na sombrerong may "taynga," miski na mabanas ngayong gabi. Nagpapaalala siya sa akin tungkol kay Danny na kaibigang kong may lahing Taga-Austria, sa elementarya at hayskul ko. May dumalaw pang isang guwapong nakikita kong paminsan-minsan sa pizzeria. Mukha siyang mestisong Amerindiyong balbasin, miski na sabi niyang kalahating "Tsino" raw siya. Ngayon, nakapulang tisyort siya at berdeng kortong kamuplaheng militar. May pamilyang Taga-Europang kumakain din doon. Parang Aleman at Pranses ang salita.
No comments:
Post a Comment