Monday, July 3, 2023

Siyopaw at Saba

Sa almusal ko nitong ika-3 ng Hulyo ng 2023, sa naaarawang balkonahe, kumain ako ng siyopaw at ng saba. Sa guni-guni ko, Esperanto at Chabacano yaong mga bagay. Tapos, lakad ako palabas. Sa daan, nakita ko si Rochelle na pula-buhok. Akala kong tininta niyang itim ang buhok niya, pero mukhang itim sa lilim. Tininta nga niyang mas maitim na pula. Sa parkeng eskinita, kinamusta ako ng regular na matandang Kantones doon. Kung minsan, "Nǐ hǎo!" sa Mandarin ang bati ko sa kanya. Sa eskinita, may magandang Ugandesang inaasikaso ang kanyang mga sinampay na nilaba. Sa pizzeria rito sa Isla Lulu, nagpirasong pepperoning pizza ako at nagkola. Si Sachet na Taga-Indiya ang tindero. May dumalaw na isa lamang matangkad na mulatong adolesenteng nakaitim. Pag-uwi ko, nakita ko si Al na naninigarilyo. Nakamaong asul ang buong katawan niya.

No comments:

Post a Comment